Tinukoy ni bagong Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Jonvic Remulla ang pamumulitika sa loob ng Philippine National Police, bilang isa sa mga pinaka-malaking problemang dapat solusyonan.
Ayon kay Remulla, sa kabila ng pagkakaroon ng maraming propesyunal sa Pulisya ay malawak din ang kompetisyon at pulitika.
Sinabi pa ng Kalihim na mas madali pang tugunan ang problema sa mga tiwaling pulis kaysa sa pamumulitika.
Kaugnay dito, magre-rekomenda si Remulla ng mga reporma at pagbabago sa istraktura ng PNP, dahil sa halos tatlong dekada niyang panunungkulan sa lokal na pamahalaan ay alam na niya ang pagkakaiba sa mga mabubuti at masasamang opisyal at pulis.
Samantala, naniniwala rin si Remulla na bagamat hindi lumalala ay nagpapatuloy pa rin ang problema sa iligal na droga sa bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News