dzme1530.ph

Pampasaherong bangka sa karagatang sakop ng Basilan, tumirik!

Mabilis na tumugon ang Philippine Coast Guard station Basilan sa isang distressed vessel na M/V SR Express, 10 nautical miles ng karagatang sakop ng katubigan ng Dasalan Island, bayan ng Hadji Muhtamad, Basilan.

Ang nasabing sasakyang pandagat ay nagkaroon ng engine trouble at may lulan 5 crew at 8 pasahero na umalis sa Zamboanga City na dapat sana’y patungo sa Pangutaran, Sulu.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation (SAR) ang coast guard sub-station ng Hadji Muhtamad sa iniulat na lokasyon ng nasabing distressed vessel.

Kasabay nito nakipag-ugnayan sa local government unit ng Hadji Muhtamad para sa nasabing pagliligtas mula sa tumirik na barko.

Matapos ang isang oras, matagumpay na naisakutaparan ng SAR team operation ang pag-rescue sa mga tripulante at pasahero, at binigyang ng agarang tulong medikal.

Samantala, agad ding nahila ang distressed vessel sa Brgy. Tausan, Pilas Island. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author