dzme1530.ph

Pamilya ni Jaclyn Jose, naniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng aktres —PNP

Walang nakikitang foul play ang pamilya ni Jaclyn Jose sa pagkamatay ng 59-year old multi-awarded actress, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa Press Briefing kaninang umaga, sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na humihingi ng privacy ang pamilya ng beteranang aktres sa biglaan nitong pagpanaw.

Hindi naman binanggit ni Fajardo ang cause of death ni Jaclyn, kasabay ng pagbibigay diin na nais ng pamilya nito na manatiling pribado ang anumang may kinalaman sa pagkamatay ng multi-awarded actress.

Ang pagpanaw ni Jaclyn na ang tunay na pangalan ay Mary Jane Guck, ay kinumpirma ng kanyang management agency na PPL Entertainment Inc., kagabi, ilang oras matapos kumalat sa social media ang kanyang biglaang pagkamatay.

About The Author