Binisita ni House Speaker Martin Romualdez sa Pampanga ang pamilya ni Paul Castelvi, ang pinoy caregiver na namatay sa Israel dahil sa pagsalakay ng Hamas Militants.
Personal na ipinarating ni Romualdez ang pakikidalamhati at ibinigay ang kalahating milyon pisong tulong sa mga magulang ni Paul na sina Lilina at Lourdines Castelvi.
Sinabi nito na hindi matutumbasan ng halaga ang pagkawala ni Paul na isang bayani, dahil mismong ang anak ng employer ng OFW na si Nadav Kipnis ay ikinuwento ang ginawa nito para protektahan ang kanyang mga magulang sa kamay ng Hamas Militants.
Kasabay nito, dalawang team din mula sa Speaker’s Office at Tingog Partylist ang dumalaw sa pamilya ng dalawa pang OFWs na sinawing palad din sa Israel.
Sa Negros Occidental tinungo ng team ang bahay ni Loreta Alacre, at sa pangasinan naman si Angelyn Aguirre, mga caregiver sa Israel na madamay din sa pag-atake ng Hamas.
Ipinarating sa pamilya ng dalawang OFW ang pakikiramay at pagbabahagi ng tig-kalahating milyong piso tulong mula kay Romualdez at Tingog Partylist.
—Ulat ni Ed Sarto, via DZME News