dzme1530.ph

Pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka, hindi dapat mahinto —Rep. Mujiv Hataman

Pinatitiyak ni Basilan Cong. Mujiv Hataman sa pamahalaan, na hindi mahihinto ang tulong na ibinibigay sa mga magsasaka kasunod ng pagtapyas sa taripa.

Ayon kay Hataman, inaasahang bababa ang presyo ng imported rice dahil sa pagtapyas sa taripa mula sa 35% ay magiging 15% na lamang ito.

Punto nito, kung bumaba ang presyo sa pamilihan ng imported rice, apektado nito ang lokal na ani ng mga magsasaka dahil mapipilitan din silang tapatan ang presyo ng imported.

Dito umano kailangan ang ayuda ng pamahalaan para hindi madehado ang mahigit 3-milyon nagtatanim ng palay, lalo na kung maibababa talaga sa P29 ang per kilo ng bigas.

Una nito siniguro ni House Speaker Martin Romualdez, at Cong. Mark Enverga, chairman ng committee on agriculture and food na magpapatuloy ang tulong mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Dagdag pa ni Hataman, pinag-aaralan na nitong mag-sulong ng panukalang batas para matiyak ang “enhanced protection at mas malaking subsidy” sa mga magsasakang Pilipino.

About The Author