![]()
Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy sa mga magsasaka upang tulungan silang makaagapay sa lumolobong presyo ng petrolyo dulot ng kaguluhan sa Middle East.
Ito’y matapos ma-secure ng DA ang P50-million sub-allotment, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.
Kabuuang 9,570 na mga magsasaka na naka-depende sa mechanized equipment ang makatatanggap ng subsidiya, batay sa datos mula sa Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) ng DA.
Sinabi ni Tiu-Laurel na ang mga magsasaka na eligible sa naturang cash assistance ay ang mga nakalista lamang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture, alinsunod sa General Appropriations Act.
Para naman sa mga mangingisda, sinimulan na ng DA ang pamamahagi ng hiwalay na fuel subsidy.
