dzme1530.ph

PAMAMAHAGI NG P5K CASH RELIEF ASSISTANCE SA MGA TSUPER NG JEEP, UMARANGKADA NA SA IBA’T IBANG PANIG NG METRO MANILA

Loading

Umarangkada na kaninang ala siyete ng umaga ang pamamahagi ng P5,000 na cash relief assistance sa mga driver ng jeep sa Metro Manila.

 

Sa kani-kanilang Facebook pages, inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng mga benepisyaryo.

 

Ibinahagi rin ng LTFRB ang mga venue kung saan isasagawa ang payout ng mahigit 21,700 jeepney drivers sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

Ayon sa LTFRB, ang listahan ng mga benepisyaryo ay batay sa datos na ibinigay ng local government units at PUJ operators.

 

Para sa mga kukuha ng tulong pinansyal, kailangang dalhin ang original at photocopy ng kanilang driver’s license.

 

Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga tsuper na sundin ang kanilang schedule upang maiwasan ang siksikan at mas mapabilis ang proseso ng pamimigay ng ayuda.

About The Author