dzme1530.ph

Pamamahagi ng national ID, matatapos sa susunod na taon

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) na matatapos na nila hanggang Setyembre ng susunod na taon ang delivery ng national ID sa mga nagparehistro.

Sa pagdinig sa Senado, ipinaliwanag ng PSA na sa kasalukuyan ang kapasidad ng card printing kada araw ay umaabot lamang sa 80,000.

Samantala, inirekomenda ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kung nahihirapan na ang gobyerno sa pag-iimprenta ng national ID ay makabubuting itigil na ito at gamitin na lang ang digital form ng ID dahil halos lahat naman anya ay mayroon nang telepono.

Kinontra naman ito ng PSA at iginiit na hindi lahat ng Pilipino ay mayroong smartphones.

Sa puntong ito, binawi ni dela Rosa at inirekomenda na lamang ang pag-iimprenta ng National ID sa papel. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author