![]()
Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ngayong araw ang pamamahagi ng cash assistance sa mga delivery riders sa Metro Manila.
Umarangkada ang distribusyon ng limang libong cash assistance sa mga delivery riders sa Kartilya ng Katipunan sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos ang validation na isinagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Bukod sa Lungsod ng Maynila, nagsimula na rin ang pamamahagi ng tulong sa iba pang payout areas sa Metro Manila.
Ayon sa DSWD, nasa 137,700 delivery riders sa Metro Manila ang bibigyan ng ayuda ngayong araw na ito hanggang bukas.
Pinapayuhan naman ang mga delivery riders na i-check ang kanilang mga pangalan, payout schedules at assigned sites sa pamamagitan ng official list ng LTFRB.
