dzme1530.ph

PAMAMAHAGI NG AYUDA NG DSWD SA MGA TNVS DRIVERS, NAGSIMULA NA

Loading

Umarangkada na ngayong araw ang distribusyon ng cash assistance sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers bunsod ng epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, 27,000 TNVS drivers sa National Capital Region ang inaasahang makakakuha ng limang libong pisong cash assistance.

 

Sinimulan ang payout sa mga TNVS sa San Dionisio Sports Complex sa Parañaque City kung saan kabuuang 1,293 beneficiaries ang makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

 

Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga transport network companies at isinailalim sa balidasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

 

Pinayuhan ng kalihim ang mga driver na wala sa talaan na sa halip na pumunta sa mga payout center ay magtungo na lamang sa kanilang kumpanya.

About The Author