dzme1530.ph

Pamahalaan, tiniyak ang tulong sa nasawing OFW sa Turkey dahil sa lindol.

📷 Mohammed AL-RIFAI / AFP

Tiniyak ng pamahalaan ang tulong sa pagpapauwi sa labi ni Wilma Abulad Tezcan, isa sa dalawang Filipino na nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Turkey noong nakaraang lunes.

Ayon sa Philippine Embassy sa Ankara, batay sa request ng anak at sa consent ng asawa, ay inaayos na nila ang immediate repatriation ng katawan ni Tezcan.

Ang impormasyon naman sa ikalawang nasawi, ay hindi pa inilalabas ng embahada.

Samantala, apat pang pamilyang Pilipino ang inikas mula sa lungsod ng Gaziantep patungong Turkish Capital na Ankara sa pamamagitan ng sprinter buses.

Idinagdag ng embahada na may ilang Pilipino na pinilang manatili sa Gaziantep, at nagmungkahi na ibigay na lamang sa higit na nangangailangan ang share nila ng relief goods dahil maayos naman ang kanilang kalagayan.

About The Author