dzme1530.ph

Pamahalaan, may bago nang istratehiya sa paghahanda sa mga bagyo

Gumagamit na ng bagong istratehiya ang gobyerno sa paghahanda sa mga bagyo.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Dep’t of the Interior and Local Gov’t Sec. Jonvic Remulla na bukod sa pagtaya sa lakas ng hangin, ginagamit na rin ngayon ng PAGASA, Office of Civil Defense, at mga lokal na pamahalaan ang rainfall forecast at rainband ng bagyo.

Ito ay upang makita rin ang dami ng tubig na iu-ulan ng bagyo, para sa agarang pagbibigay ng babala at maagang pagtugon tulad ng preemptive evacuation sa mga lugar na posibleng bahain o makaranas ng landslides.

Sinabi ni Remulla na may apat na araw na window upang makita ang direksyong tutumbukin ng bagyo, para matukoy ng OCD at mga LGU ang worst-case scenario o ang pwedeng mangyari.

Ginamit na umano ang istratehiya sa bagyong “Marce” at “Nika”, na nag-resulta sa “zero casualty” kumpara sa bagyong “Kristine” kung saan marami ang namatay dahil hindi kaagad natukoy at napaghandaan ang volume ng ibubuhos nitong ulan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author