Mamamahagi ng ayuda ang gobyerno sa mga piling pamilyang pilipino, sa harap ng nananatiling mataas na inflation rate.
Sa Press briefing sa Malakañang, inihayag ni Finance sec. Benjamin Diokno na sa ilalim ng expanded targeted cash transfer program, ipamimigay ang P500 sa loob ng dalawang buwan o kabuuang P1,000, para sa 9.3 million households.
Sinabi rin ng DOF na may mapagkukunan na ng pondo para sa palalawaking ayuda.
Samantala, sinabi rin ni Diokno na mayroong inilaang P26.6-B para sa subsidiya sa vulnerable sector, fertilizer discounts, fuel discount vouchers sa mga magsasaka at mangingisda, at fuel subsidy sa transport sector.
Matatandaang umabot sa 8.6% ang inflation rate para sa buwan ng Pebrero, na 1% lamang na mas bababa sa 8.7% inflation noong Enero.