dzme1530.ph

Pamahalaan, mahihirapang ibaba ang alert level sa Myanmar

Mahihirapan ang gobyerno ng Pilipinas na ibaba ang alert level 4 status sa Myanmar, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kasunod ito ng apela ng ilang overseas filipino worker na ayaw umuwi ng dahil sa pangambang hindi na makabalik sa nasabing bansa.

Ipinaliwanag ni DFA Usec. for Migrant Affairs Eduardo De Vega na hirap pa rin ang kagawaran na ibaba ang nasabing alerto sa Myanmar dahil na rin sa mga naitalang kaso ng human trafficking doon.

Matatandaang itinaas ang alert level 4 sa naturang bansa noong 2021, na tumutukoy sa pagpapatupad ng mandatory evacuation bunsod ng gulo na dulot ng kudeta. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author