dzme1530.ph

Pamahalaan hinimok na tugunan ang climate change – Makakalikasan

Hinimok ng Makakalikasan Nature Party Philippines ang gobyerno na mahigpit na tugunan ang mga hamon at epekto ng climate change.

Ito ay matapos lumabas sa kanilang pag-aaral na kulang ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maresolba ang pagbabago ng klima.

Giit ni Roy Cabonegro, lider ng nasabing grupo na hindi lamang ang kapaligiran o kalikasan ang na-aapektuhan ng climate change kundi maging ang buhay ng mga Pilipino at ekonomiya ng bansa.

Babala ni Cabongero na kung hindi matutugunan ang mga hamon at epekto ng pagbabago ng klima, posible itong magresulta sa mas maraming landslide sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas bunsod ng malalakas na pag-ulan.

About The Author