Hindi natatapos sa pagbibigay ng umento sa sahod ang obligasyon ng pamahalaan para makaagapay sa pang araw-araw na pamumuhay ang mamamayan.
Ayon kay Rizal Cong. Fidel Nograles, Chairman ng Committee on Labor and Employment, dapat maging agresibo ang pamahalaan na mapababa ang presyo ng bilihin lalo na ang pagkain kasabay ng P40 wage increase na ipinagkaloob.
Sinabi ni Nograles na dapat may “parallel effort” din sa ibang sektor dahil hindi sapat ang idinagdag sa arawang sweldo kung mataas din ang binibiling pagkain at pamasahe.
Kumpiyansa naman ang kinatawan ng 4th district ng Rizal na nakikita ito ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at gumagawa na ito ng paraan para bigyang solusyon ang mataas na presyo.
Tiniyak din nito bilang chairman ng Committee on Labor na patuloy nilang pag-uusapan ang mga panukala para sa karagdagang sweldo ngayong magbabalik na uli ang sesyon. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News