dzme1530.ph

Palpak na sebisyo ng NCMF sa naganap na 2023 Hajj Pilgrimage, pinabubusisi sa Senado

Pinabubusisi ni Senador Sonny Angara ang mga sumbong kaugnay sa hindi maayos na serbisyo ng National Council on Muslim Filipinos (NCMF) sa pamamagitan ng Bureau of Pilgrimage and Endowment (BPE) sa mga Pilipinong Muslim na nagtungo sa 2023 Pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.

Sa kanyang Senate Resolution 768, tinukoy ni Angara ang reklamo ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan II na nakaranas sila ng hindi maayos na serbisyo mula sa BPE sa kanilang pagdalo sa Mecca.

Limitado lamang umano ang mga bus kaya’t overcrowded sila sa loob ng sasakyan na naglagay sa kanila sa panganib.

Inireklamo din ng gobernador at ng mga kasama niyang grupo ang hindi maayos na accommodation dahil kulang ang air-conditioning unit ng mga ito at kapos pa sa pagkain.

Ayon kay Angara, hindi ito ang unang beses na nakatanggap sila ng ganitong klaseng reklamo mula sa mga Muslim na naghanda ng matagal na panahon para makilahok sa isa sa pinaka importanteng pillars ng Islam na Hajj.

Nararapat lang anya na mahanapan ng solusyon ang mga problemang naranasan nila sa Hajj para maging mas maganda ang karanasan ng mga dadalo dito para sa susunod na mga taon.

Nitong June 23, 2023 naitala na 7,000 na mga Muslim ang dumalo sa Pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia para sa taunang Hajj. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author