Nananatili ang Palestine bilang kaibigan ng Pilipinas sa harap ng mga hamon.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa farewell call sa Malacañang ni Palestinian Ambassador Saleh As’ad Saleh Mohammad.
Pinuri ng Pangulo ang matatag na ugnayan ng dalawang bansa sa loob ng 35-taon.
Sa harap umano ng mapanubok na panahon, hiling pa rin ni Marcos ang kapayapaan at kaayusan para sa lahat.
Mababatid na nagpapatuloy pa rin ang bakbakan ng Israel at iba’t ibang grupo sa Palestine sa harap ng tensyon sa Gaza at iba pang lugar. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News