![]()
Nanawagan ang Malakanyang na iwasan ang magpakalat ng takot o pangamba, sa gitna ng kaguluhan sa Middle East, partikular sa oil price shock.
Reaksyon ito ng Palasyo sa apela ni House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of national emergency upang pansamantalang i-takeover ng pamahalaan ang oil industry para ma-regulate ang presyo ng petrolyo.
Binigyang diin ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na wala sa ganong estado ang bansa, at nananatiling kontrolado ng administrasyon ang sitwasyon.
Sinabi ni Castro na huwag na sanang dagdagan pa ang takot ng taumbayan dahil kumikilos ang Pangulo at ang gobyerno para mapagaan ang epekto ng umiigting na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
