Tiniyak ng Malakanyang na walang bahagi ng bansa gaano man ito katago, ang hahayaang maging kanlungan ng mga tagagawa at tagapagpakalat ng iligal na droga.
Ito ay kasunod ng ni-raid na drug den sa Malacañang Complex sa San Miguel, Maynila.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, palaging mananaig ang batas laban sa drug criminals, at ang matagumpay na operasyon ay itong nagpapakita sa sigasig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng administrasyon sa pagsugpo sa salot na iligal na droga sa bansa.
Pinuri rin ng Palasyo ang National Bureau of Investigation katuwang ang Presidential Security Command, Philippine Drug Enforcement Agency, at local police, para sa pagkakaaresto sa isang suspected drug pusher at pagkakasabat sa drug paraphernalia sa nasabing raid.
Nanawagan ito sa lahat ng law enforcement office na tugisin ang mga kasabwat ng suspek, at hiniling din nito ang pakikipagtulungan ng mga residente sa imbestigasyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News