dzme1530.ph

Palasyo, sinopla si Sen. dela Rosa matapos sabihing hindi ito susuko sa ICC

Loading

Sinopla ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito’y matapos sabihin ng mambabatas na ikinu-konsidera nitong huwag sumuko sa International Criminal Court (ICC) kapag naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Sa press briefing kanina, sinabi ni Castro na hindi nila sinasang-ayunan ang ganoong klase ng paniniwala.

Wala rin aniyang mabuting maidudulot sa mga Pilipino kung ang sarili nilang mga lider ay hindi kayang harapin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanila.

Una nang inihayag ni dela Rosa na pinag-iisipan niya na magtago sa sandaling ipatupad ng mga awtoridad ang arrest warrant mula sa ICC.

About The Author