dzme1530.ph

PALASYO, NANINDIGANG WALANG OIL CRISIS SA PILIPINAS SUBALIT MAYROONG ‘PRICE DISRUPTION’

Loading

Binalewala ng Malacañang ang concerns sa oil crisis sa bansa, sa pagsasabing nananatiling sapat ang supply ng langis bagaman umiiral ang “price disruption.”

Sa press briefing, kinontra ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang paniniwala na maikokonsiderang may krisis sa langis matapos ang sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng oil products.

Sinabi ni Castro na batay sa pahayag ni Energy Secretary Sharon Garin, walang krisis sa supply subalit mayroong disruption sa presyo gawa ng kaguluhan sa Middle East.

Simula noong ikalawang linggo ng Marso ay naghihigpit na ng sinturon ang mga motorista bunsod ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo.

Tiniyak naman ng Department of Energy sa publiko na may sapat na fuel reserves ang bansa, kung saan ang kasalukuyang stocks at paparating na shipments ay inaasahang tatagal ng hanggang 50 days.

About The Author