dzme1530.ph

Palasyo, ipinag-utos ang implementasyon ng 2024 National Disaster Response Plan

Loading

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng kaukulang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang 2024 National Disaster Response Plan (NDRP).

Isa itong strategic plan na layong tiyakin ang napapanahon, epektibo, at magkakaugnay na pagtugon tuwing may kalamidad o sakuna.

Sa Memorandum Circular 100 na nilagdaan ni Exec. Sec. Lucas Bersamin, ipinag-utos ang adoption at implementasyon ng 2024 NDRP para sa pagliligtas ng buhay, pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad, at pagbawas sa paglala ng emergency situations.

Sa ilalim ng MC 100, inatasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD), na pangunahan ang implementasyon ng naturang plano.

About The Author