![]()
‘It’s another story telling a lie’.
Ganito inilarawan ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi na siya nakikipag-usap sa mga senador na sumusuporta sa kanya.
Sinabi ni Castro na kilala naman ang talento ng Bise Presidente sa pagpapakalat ng fake news.
Tinukoy ng opisyal ang anya’y naging pahayag ng Bise Presidente ma pagkaing baboy lang ang bente pesos na bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa Centers.
Binanggit din ni Castro ang fake o altered police blotter mula sa Beverly Hills gayundin ang mga fake videos laban sa Pangulo at sa Unang Ginang.
Sinabi ni Castro na ang panibagong pahayag ni VP Sara ay dapat sinasagot na lamang ng ‘tell that to the marines’.
Una rito, sinabi ni VP Sara na hindi na siya nakikipag-usap sa mga senador dahil napag-iinitan ng administrasyon ang mga sumusuporta sa kanya.
