dzme1530.ph

Palasyo, dinepensahan ang P4.5-B confidential at intelligence funds ni PBBM

Loading

Dinepensahan ng Malacañang ang P4.5 billion na inilaan para sa confidential at intelligence funds ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2026 national budget.

Ayon kay Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire Castro, ang pondo ay gagamitin sa tama at naaayon sa tungkulin ng Pangulo bilang Commander-in-Chief at chief architect ng national security at foreign policy.

Binanggit ni Castro na nagiging problema lamang ang confidential funds kapag ginamit ito ng isang kurap.

Simula 2022, ang natatanggap ng Pangulo para sa ganitong pondo ay naglalaro sa pagitan ng P4.5 hanggang P4.5–6 billion .

About The Author