Opisyal nang binuksan ang palarong pambansa 2023 sa Marikina City, sa kabila ng masamang panahon.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdedeklara ng pagbubukas ng palaro sa Marikina Sports Center.
Ito ay sa harap ng libu-libong elementary and high school student-athletes, coaches, at game officials.
Sa kanyang talumpati, ipina-alala ni Marcos sa mga atleta na ngayon pa lamang ay maituturing na silang mga kampyon.
Hinikayat din sila ng Pangulo na maglaro ng patas nang may kaakibat na husay at integridad.
Ang Palarong Pambansa ngayong taon ay may temang ‘Batang Malakas, Bansang Matatag’, at kabuuang 9,172 na atleta mula sa lahat ng rehiyon sa bansa ang magtatagisan sa iba’t ibang sports events. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News