dzme1530.ph

PAL, pansamantalang nagsuspinde ng biyahe sa ilang bansa sa harap ng isyu ng aircraft shortage

Pansamantalang nagpatupad ang Philippine Airlines (PAL) ng kanselasyon ng kanilang flights sa ilang bansa sa harap ng usapin ng kakulangan at mga depektibong eroplano ng flag carrier.

Sa anunsyo ng NAIA 1, kabilang sa pansamantalang itinigil ang biyahe ng PAL patungong Canada, Hong Kong, Kansai, Singapore, Bangkok, Guam, Narita at Fukoka.

Kinumpirma naman ni PAL spokesman Cielo Villaluna na patuloy na kinukumpuni ang kanilang mga depektibong eroplano.

Aniya, agad na ililipat ang mga pasahero sa mga susunod na available flights.

Magugunitang ilang pasahero ang nagalit sa biglaang kanselasyon ng flag carrier sa kanilang flights sa ilang bansa dulot ng aircraft shortage. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author