dzme1530.ph

PAL, inulan ng reklamo sa unang araw ng paglilipat sa NAIA terminal 1

Makikipagpulong si MIAA Officer-In-Charge General Manager Brian Co sa mga airlines company upang masolusyunan ang problema ng mga delayed at cancelled flights.

Una rito, dinagsa ng reklamo ang Philippine Airlines (PAL) ng mga pasaherong patungong abroad dahil sa umano’y kanselasyon ng kanilang flight schedule nang hindi sila naabisuhan.

Ngayon kasi ang unang araw ng paglilipat ng lahat ng international flight ng PAL sa Terminal 1 mula Terminal 2 kung saan nagkakasabay-sabay ang mga kanselasyon.

Ito’y base sa ilang pahayag ng ilang galit na pasahero na papaalis patungong ibang bansa subalit naunsyami ang kanilang flight dahil sa umano’y aircraft maintenance.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng Philippine Airlines kaugnay dito.

Binanggit ni Co na nasa 40 departing at arrival international flight ng Philippine Airlines ang malilipat sa Terminal 1 ngayong araw mula at patungong US, China, Hong Kong, Malaysia, Japan, Australia, Korea at iba pang international flight.

Inaasahan din ang 6,000 pasahero na madaragdag sa NAIA Terminal 1 kada araw. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author