dzme1530.ph

Pakiki-sawsaw ni Rep. Alvarez sa kasong kriminal na isinampa laban kina HS Romualdez, 3 iba pa, inalmahan

Loading

Umalma si House Assistant Majority Leader Amparo Maria Zamora, sa pakiki-sawsaw ni Cong. Pantaleon Alvarez sa kasong kriminal na isinampa laban kina Spkr. Martin Romualdez at tatlong iba pa sa Ombudsman.

Hindi inaalis ni Zamora ang karapatan ni Alvarez sa paghahain ng kaso, pero bahagi siya ng Kongreso na bumalangkas ng 2025 National budget.

Ayon sa kinatawan ng Taguig City, kabalintunaan na ang isang kongresista sa katauhan ni Alvarez na halos hindi nakibahagi sa budget deliberations mula komite hanggang plenary ay nagrereklamo sa balangkas ng GAA.

Bilang assistant majority leader, araw-araw umano siyang nasa plenary o session floor, subalit hindi niyang maalala na nag-raise ng concern si Alvarez.

Kung ginagampanan lang aniya ni Alvarez ang tungkulin sa Kamara, nagkaroon sana ng pagkakataon na masagot ang kanyang mga katanungan kung mayroon man.

Kahapon, Feb. 10, sinampahan ng 12 count each of falsification of legislative documents at graft sa Office of the Ombudsman ng pro-Duterte group si Romualdez, House Majority Leader Manuel Dalipe, Rep. Zaldy Co, at House appropriations acting chairperson Stella Quimbo.

About The Author