dzme1530.ph

Pahayag ng notaryo publiko na personal nitong nakita si Alice Guo noong Aug. 14, binigyang konsiderasyon

Hindi pa makumpirma o maitanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) kung nakapuslit palabas ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ongoing pa rin ang kanilang imbestigasyon.

Idinagdag ng direktor na patuloy na iniimbestigahan ng kanilang mga tauhan ang isyu para ma-confirm o ma-deny ang pagtakas umano ni Guo.

Inihayag ni Santiago na binigyan nila ng konsiderasyon ang sinabi ni Atty. Elmer Galicia na personal nitong nakita ang dating alkalde noong Aug. 14 sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Si Galicia ang abogadong nag-notaryo ng counter-affidavit ni Guo para sa dismissal ng qualified human trafficking complaint na inihain laban sa kanya. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author