dzme1530.ph

Pahayag ng Chinese Embassy hinggil sa umano’y pagtaas ng krimen sa bansa, kinontra ng PNP

Loading

Kinontra ng Philippine National Police ang naging pahayag ng Chinese Embassy tungkol sa diumano’y pagtaas ng krimen sa bansa, partikular sa mga Chinese national.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño na bumaba sa 22,646 kaso o 16.4% ang naitalang krimen ngayong taon, kumpara sa 27,090 noong nakaraang taon.

Aniya, kabilang sa bilang na ito ang 21 kaso ng kidnapping na kinasasangkutan mismo ng Chinese laban sa kapwa nito Chinese.

Dagdag pa ng opisyal, inatasan ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang director for intelligence na makipag-ugnayan sa Chinese Embassy upang alamin ang eksaktong detalye ukol sa pahayag nito.

Giit ng PNP, idadaan sa tamang proseso ang pakikipag-ugnayan sa embahada upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan tungkol sa krimen sa bansa.

About The Author