Umalma si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pahayag ng China na pinayagan nito ang pinakahuling resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kaya ito nagtagumpay.
Tanong ni dela Rosa kung sino ba ang China para kailanganin pa ang approval nito para sa aktibidad ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Tanong pa ng senador bakit pipigilan ng China ang Pilipinas kung anong gusto nating dalhin sa lugar.
Lumilitaw anya na ang gusto ng China ay masira ang BRP Sierra Madre upang wala nang matitirahan ang mga sundalo at sila na ang papalit sa lugar at aagawin nila ito.
Muling binigyang-diin ni dela Rosa na nakakaawa ang tropa ng mga sundalo sa Ayungin Shoal.
Kaya patuloy anya niyang isusulong ang pagdaragdag ng pondo para sa modernisasyon ng mga kagamitan ng PCG. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News