dzme1530.ph

Pahayag na si Ex-Pres. Erap ang nangako na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, inalmahan ni Sen. Ejercito

Umalma si Senador JV Ejercito sa pahayag ng kolumnistang si Bobby Tiglao na ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangako sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Ejercito na inconsistent ang pahayag ni Tiglao dahil si Estrada ang nag-utos na i-deploy sa Ayungin Shoal ang barko kaya’t common sense na hindi nito kokontrahin ang sariling kautusan.

Nagpatutsada pa ang mambabatas na ang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang nasa likod ng pangungunsinti sa pagpasok ng China sa bansa sa pamamagitan ng NBN-ZTE deal.

Iginiit pa ng senador na katunayan ang kanyang ama lamang ang may balls na ipinaglaban ang teritoryo ng bansa at ang tanong na lamang anya ay kung ano ang ginawa ng mga sumunod sa kanya.

Tanong pa ni Ejercito kung ano na ang nangyari matapos ang administrasyon ng kanyang ama dahil sa mga panahong ito lumalawak ang teritoryong pinasok ng China. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author