dzme1530.ph

Pagtutulungan ng PCO at CICC vs fake news, napapanahon na

Loading

Napapanahon at sadyang kailangan ang pagtutulungan ng Presidential Communications Office at Cybercrime Investigation Coordinating Center upang labanan ang kumakalat na fake news at online scams sa social media.

Ito ang iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian sa gitna ng patuloy na paglaganap ng fake news sa gitna ng mga kaganapan sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na dapat maging maagap at masigasig ang gobyerno sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga mali-maling impormasyon  upang epektibong malabanan ang mga ganitong uri ng krimen.

Bukod sa mga ahensya ng gobyerno, kailangan ding makatuwang ang mga pribadong organisasyon sa kampanya lalo na ang media.

Panahon na aniya para managot sa batas ang mga nagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon at online scams.

Hindi aniya dapat magdalawang isip ang gobyerno sa pagpapanagot sa mga sangkot sa pagpapalakat ng mali-maling balita dahil sa malisyosong intensyon.

About The Author