Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat magtulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga Pinoy nasa Israel.
Ayon kay Gatchalian, kailangan ng agarang pagkilos ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang matiyak na mamomonitor ang mga Pinoy as Israel kabilang ang 30,000 na mga OFWs.
Mahalaga anya ang lahat ng pagtutulungan ng lahat upang maibigay ang pangangailangan ng mga Pinoy na posibleng maipit sa kaguluhan.
Kailangan anyang magtulong-tulong ang lahat para masaklolohan ang mga kababayan natin na naiipit sa giyera at matiyak na ligtas silang makakauwi sa kanilang mga pamilya.
Samantala, nakikipag-ugnayan ang tanggapan ni Senador Raffy Tulfo sa DFA at DMW para sa monitoring sa mga Pinoy.
Katulad ng ibang mambabatas, pinatitiyak ni Tulfo sa mga ahensya ng gobyerno ang kaligtasan ng mga Pilipino. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News