Itinanggi ng National Security Council (NSC) na mayroong “witch hunt” o pagtugis sa mga sumusuporta sa mga sentimyento ng China.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, may paratang sa kanya ng umanoy witch hunt sa mga grupong pro-China.
Kaugnay dito, iginiit ni Malaya na wala silang sinomang pinipigilan na magpahayag ng saloobin at kanila ring iginagalang ang Freedom of Expression at Freedom of the Press.
Kasabay nito binigyang-diin ng NSC official na ipinaparating lamang nila sa taumbayan ang katotohanan, at mandato umano ng NSC na bantayan ang mga taong maaaring sumusunod sa mga naratibo o agenda ng Foreign Powers.
—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News