dzme1530.ph

Pagturing sa tabako bilang pangunahing agri product, inalmahan

Pumalag si Senador Pia Cayetano sa pagturing sa tabako na kasama sa mga pangunahing produktong-agrikultural.

Sa isinusulong kasing Senate Bill No. 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isinama ang tabako sa mga gulay, bigas at iba pang pangunahing pangangailangan, gayundin sa mga pagkaing-dagat.

Ipialiwanag ni Cayetano kontra siya sa smuggling ng tobacco products, ngunit ang maging kahanay ito ng mga pangunahing pagkain ay hindi katanggap-tanggap para sa kanya.

Idinagdag pa ng senador na hindi ito makatarungan para sa mga naghihirap na Filipino.

Pinuna rin ni Cayetano ang probisyon sa panukala para sa pagbuo ng special team of prosecutors na mangangasiwa sa mga kaso ng mga smugglers gayung maraming kaso ng online child abuse ang nagaganap at kailangan din itong pahalagahan at bigyan ng pansin ng mga taga-usig. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author