dzme1530.ph

Pagtukoy sa kinaroroonan ng mga Pinoy sa Myanmar matapos ang lindol, dapat paigtingin pa

Loading

Umapela si Sen. Sherwin Gatchalian sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Consulate sa Myanmar na paigtingin pa ang pagsusumikap na ma-locate ang mga nawawalang Filipino matapos ang  malakas na lindol.

Sa gitna ito ng ulat na ilang Pinoy ang hindi pa mahanap matapos ang lindol.

Samantala, bagama’t wala aniyang Pinoy na napabalitang nasawi sa Thailand, hiniling ni Gatchalian sa DFA na pakilusin din ang kanilang mga tauhan upang matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng lindol at tiyakin na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga nangangailangan.

Pinuri ni Gatchalian ang pamahalaan sa pagpapakilos sa kanilang humanitarian assistance team sa mga apektadong lugar.

Bilang  miyembro ng ASEAN community, kailangan aniya nating suportahan ang mga humanitarian efforts sa rehiyon.

Ipinaalala ng senador na hindi limitado sa ating mga kababayan ang ating pagtulong kung hindi para sa lahat ng napinsala ng lindol.

About The Author