“Walang naaksayang pondo ng bayan sa proseso ng impeachment.”
Ito ang tugon ni San Juan City Lone Dist. Rep. Ysabel Maria Zamora, sa bintang na pagsasayang ng panahon at resources ang impeachment laban kay VP Sara Duterte.
Ayon kay Zamora, ang pagtugon sa impeachment ay kabilang sa trabaho o job description ng Kongreso kapag may nagsulong nito laban sa isang impeachable official.
Mekanismo ito na dinisenyo sa Salingang Batas para papanagutin ang isang impeachable official na hindi basta-basta pwedeng kasuhan.
Sinabi ni Zamora na kasapi sa 1-man House prosecutor team, na nauunawaan niya ang sintemyento ng ilan na kung magbitiw sa puwesto ang ini-impeach na opisyal ay magiging moot and academic na ang trial.
Saad nito, hindi pa rin masasayang ang pondo ng bayan dahil maaari pang ituloy ang paglilitis para sa hatol na perpetual disqualification to hold public office.
Dagdag pa ni Zamora, ang impeachment ay proteksyon sa tanggapan gaya ng Office of the Vice President, at hindi sa taong nag-uukupa nito.