Inaasahan ng Malakanyang na hindi magbabago ang tindig ng America pabor sa Pilipinas kaugnay ng sigalot sa West Philippine Sea, sa magiging liderato ni US president-elect Donald Trump.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, hindi na ito dapat alalahanin dahil walang nakikitang problema at magpapatuloy pa rin ang international relations, kaakibat ng malalim na kasaysayan ng Philippines-USA relations.
Kampante rin si Bersamin na ang nakatakdang pagbabago ng liderato ng America ay hindi makaa-apekto sa ugnayang pang-depensa ng dalawang bansa.
Naniniwala ito na susundin at mananatili pa rin ang “ironclad” commitment ng Pilipinas at Estados Unidos.
Mababatid na una nang nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kay Trump kasabay ng pananabik sa pakikipagtulungan para sa ikabubuti ng dalawang bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News