Tiniyak ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na masisimulan nang pondohan sa ilalim ng 2024 National Budget ang pagtatayo ng mga Regional Specialty Centers.
Ayon kay Go, sa ilalim ng Republic Act No. 11959 o ang Regional Specialty Centers Act, multi-year ang planong pagtatayo ng mga specialty center sa mga DOH Regional Hospitals na naglalayong mailapit ang serbisyong medikal sa taumbayan.
Sa ilalim ng naturang batas, magkakaroon na rin ng heart, lung, kidney, neonatal, orthopedic at mental health center sa mga DOH Regional Hospitals.
Kasabay nito, target ni Go na itaas sa P1-B ang pondo para sa cancer assistance sa ilalim ng 2024 budget.
Aminado si Go na sadyang kulang ang pondong inilaan sa cancer assistance sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng sakit.
Bilang chairman anya ng Senate Committee on Health, titiyakin niyang mapopondohan ang mga programa para sa kalusugan ng publiko. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News