Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na magtayo ng opisina sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Cambodia, sinabi ng Pangulo na ang overseas Filipino workers (OFWs) ang dahilan kung bakit mainit siyang sinasalubong ng iba’t ibang heads of state.
Aniya, malugod niyang pinasasalamatan ang mga OFW dahil sa kanilang ginagawa, hindi lamang para sa pamilya kundi para sa buong Pilipinas.
Tiniyak ng Pangulo na patuloy na maglilingkod ang pamahalaan upang masuklian ang tulong at sakripisyo ng mga OFW sa pamamagitan ng pagbubukas ng Migrant Workers Office sa Phnom Penh.