Sumugod sa harap ng Japan Embassy sa Roxas Blvd. ang grupo ng Wagas para magsagawa ng kilos-protesta sa patuloy umanong pagtatayo ng Japan government ng mga planta ng liquefied natural gas sa Batangas.
Mariing kinondena ng grupo na pinangunahan ni ka Leody de Guzman ang patuloy na pagtatayo ng liquefied natural gas plant ng Japan at itoy magdudulot umano ng masamang epekto sa ating kalikasan.
Sinabi ni ka Leody na dapat tigilan na ng Japan government ang negosyo sa pagtatayo ng liquefied natural gas dito sa lahat ng bansa sa mundo dahil ang liquefied natural gas ay napakarumi na pinagkukunan ng enerhiya at nakapipinsala sa kapaligiran.
Nagdadagdag umano ito ng init at magpapatuloy ang global warming.
Dagdag pa ni ka Leody pangatawanan dapat ng Japan ang commitment, na sila ay tatalima sa paggamit ng renewable energy upang protektahan ang ating planeta.
Binigyan diin ng grupo na kabaligtaran ang ginagawa ng Japan mas matindi pa anya ang kanilang kita kaysa kapakinabangan ng sangkatauhan kasama na ang sambayanang Filipino.