dzme1530.ph

Pagtatayo ng health facilities sa major tourist areas sa bansa, isusulong

Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangangailangan na magkaroon ng health facilities sa major tourist areas sa bansa.

Kaugnay nito, hinimok ni Zubiri ang mga kapwa senador na suportahan ang ihahain niyang panukala para sa pagtatayo ng health facilities sa mga lugar na dinarayo ng mga turista.

Ginawa ni Zubiri ang pahayag kasunod ng pulong sa mga miyembro ng Consular Corps na pumuna sa kawalan ng health facilities sa tourist areas tulad sa Coron sa Palawan.

Sinabi ng Senate Leader na mahihirapan ang bansa na patuloy na makaakit ng mga turista sa iba’t ibang diving spots at magagandang beaches sa bansa kung walang mga pasilidad para tumugon sa mga aksidente.

Maaari anyang tawaging Tourist Hospital Program ang panukala na magmamandato na ire-nationalized ang mga provincial hospitals bilang regional hospitals sa mga major tourist areas at pamumuan ng Department of Health.

Lalagyan anya ang mga ospital ng state-of-the-art facilities na magseserbisyo sa mga international at local tourists gayundin ang mga local residents sa lugar.

About The Author