Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat bigyan na ng sense of urgency ang panukalang pagtatayo ng mga evacuation centers sa mga munisipyo at lalawigan sa bansa.
Sinabi ni Gatchalian na sa gitna ng tumitinding pananalasa ng mga bagyo sa bansa bunsod ng climate change, dapat palaging maging handa sa anumang hindi magandang pangyayari.
Binigyang-diin ng senador na kadalasang naantala ang pag-aaral ng mga estudyante kapag nagagamit ang eskwelahan bilang evacuation centers.
Samantala, iginiit naman ni Senate Majority leader Francis Tolentino na dapat magpatupad ng sharing of resources sa panahon ng pananalasa ng bagyo.
Ipinaliwanag ng senador na kahit mayroong evacuation center sa isang lugar kung ito naman ang tatamaan ng bagyo ay hindi rin mapapakinabangan ang pasilidad.
Kaya mas makabubuting ipatupad ang sharing of resources o ipagamit ang evacuation ng kapitbahay na lugar na hindi tatamaan ng kalamidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News