Naniniwala si Senate Committee on Justice and Human Rights Chairperson Francis Tolentino na hindi pa rin maituturing na solusyon ang pagtatatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court upang tugunan ang milyun-milyong pagpupuslit ng produkto papasok sa bansa.
Sinabi ni Tolentino sa pagtatayo ng mga special court na ito ay mapapabilis lamang ang pagdinig sa mga kaso ng smuggling subalit hindi pa rin naharang ang mga smuggled products.
Layun lang anya nito na litisin ang mga kaso ng smuggling, hoarding, profiteering at cartel.
Ang kailangan anyang gawin ay maharang ang mga smuggler upang lumakas ang produksyon ng lokal na produkto.
Sa kabilang dako, sinabi ni Tolenito na patuloy ang paglaganap ng smuggling ng mga agricultural products sa Pilipinas kaya’t mahalaga rin na may sariling korte na tututok sa mga pagdinig sa mga kaso nito.
Samantala, naniniwala si Senador Cynthia Villar na magiging deterent din ang mga korte kung may masasampolan ng batas upang matakot na ang ibang magpatuloy sa iregular na gawain. —sa ulat ni Dang Garcia