Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasagawa ng pag-aaral para sa pagtatatag ng ng Legal Department sa Philippine National Police (PNP).
Sa Second PNP Command Conference sa Camp Crame Quezon City, inihayag ng pangulo na kinakailangan ang isang legal office sa loob ng PNP na magsisilbing ‘defense council’ ng sinomang pulis na mahaharap sa mga reklamo o krimen.
Ito ay sa harap ng umanoy tila pag-weaponize o paggamit ng mga kaso bilang pangharas sa mga pulis, kalimitan ng mga makapangyarihang tao na maraming pera at kayang kumuha ng mga sikat na abogado.
Kaugnay dito, iginiit ng Pangulo na ang mga pulis ay dapat mayroon ding depensa at may abogadong kaagad matatakbuhan.
Idinagdag pa nito na ang Legal Department na planong itatag ay magiging internal kaya’t wala silang babayaran.