NAIS ni Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng isang labor commission na mag-aaral sa kalagayan at sweldo ng mga manggagawa sa bansa.
Ang Labor Commission na nais itatag ng senador ay bubuuin ng mga kinatawan mula sa Senado, Kamara, Labor at economic agencies ng gobyerno kasama ang hanay ng mga employers at mga manggagawa.
Ipinaliwanag ni Cayetano na palaging hindi nakakalusot sa Kongreso ang mga panukalang magmamandato ng pagtataas ng minimum wage dahil sinasabing kulang o hindi kakayanin ng mga employer.
Dahil sa kawalan ng resolusyon dito ay hindi umaasenso ang mga manggagawa at hindi nabibigyan ng living wage na kayang bumuhay ng pamilya.
Kaya para sa senador, mas magandang magkaroon din ng komisyon na katulad ng Congressional Education Commission na nagsasagawa ng komprehensibong assessment sa sektor ng edukasyon at bumubuo ng mga rekomendasyon para sa pagreporma at pagpapahusay ng edukasyon.