dzme1530.ph

Pagtatatag ng Dept. of Disaster Resilience, inaasahang isasama sa priority bills ng administrasyon 

Inaaasahan ni Senador Christopher “Bong” Go na maisasama sa priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).   

Sa gitna na rin ito ng mga kalamidad at iba pang natural disasters tulad ng El Niño na nararanasan ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.   

Ayon kay Go, sa ngayon ay nasa Committee level pa ng Senado ang panukala para sa paglikha ng DDR at umaasa siyang isasama ito sa priority legislative agenda.  

Hinihikayat din ng senador ang mga kasamahan sa Senado na maipasa ang panukala.  

Binigyang diin ni Go na hindi sapat ang pagbuo lang ng task force para tugunan ang epekto ng kalamidad sa tuwing bago ang administrasyon.  

Ang pagkakaroon anya ng isang dedicated department na nakatutok sa kalamidad, sakuna at iba pang natural disasters ay makapagbibigay ng consistency at focus para sa pagsasakatuparan ng disaster management. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News 

About The Author