dzme1530.ph

Pagtatanim ng puno, gagawing requirement sa mga estudyante bago grumaduate ng senior high at kolehiyo

Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar ang panukala na magmamandato sa mga senior high school at sa kolehiyo na magtanim ng dalawang puno bago grumaduate.

Sa Senate Bill 2228, iginiit ni Villar na magtanim ang mga graduating student ng tig-dalawang puno na indigenous species katulad ng narra at molave.

Sa ilalim ng panukala, magtatanim sila sa mga lugar na pipiliin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa mga eskwelahan.

Sinabi ni Villar na ang pagtatanim ang unang magiging public service ng mga estudyante bago pumasok sa labor force.

Ayon kay Villar, may tinatayang dalawang milyong ang mga nagtatapos sa senior high school at sa kolehiyo kada taon kaya kung magtatanim sila ng tig-dadalawang puno, madadagdagan ng apat na milyong puno ang kagubatan ng bansa kada taon.

Sa ulat ng Forest Management Bureau, nasa 47-B ektarya ng kagubatan ang nakakalbo at naglalaho kada taon. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author